Bumababa ba ang iyong ‘performance’ level?
Kinakapos, madaling mapagod?
Simple lang ang solusyon dyan… sexercise…
Kapag ikaw ay physically fit, makakatulong ito sa iyong sexual performance.
Narito ang ilang exercise na makakatulong sa sexual performance.
Cardio
Ang kahit na anong activity na magpapabilis ng tibok ng iyong puso at magpapabilis ng iyong paghinga tulad ng mabilis na paglalakad, jogging, cycling at iba pang cardio exercise, mapapabilis nito ang blood flow.
Ang mabilis na blood flow ay makakatulong sa erection sa mga lalaki at arousal sa mga babae.
Ayon sa isang pag-aaral sa University of Texas, nakakatulong ng higit sa 100% sa arousal ang cardio exerciase.
Swimming
Natuklasan ng Harvard researchers na ang mga babae at lalaking swimmers na nasa edad 60’s ay may sex life na tulad ng mga taong edad 40s. Ito ay sa tulong ng swimming.
Ang paglangoy ay nakakatulong sa endurance, nagpapalakas ng blood flow, nakakatulong sa flexibility at strength at nakakatulong sa stress.
Nakaka-burn din ito ng napakaraming calories, at malaking tulong ito sa mga overweight dahil ang extra timbang ay nakakapagpababa ng libido) lalo na sa mga obese na lalaki na may erectile dysfunction.
Planking
Ang planking ay ang pinakamabisang paraan para mapalakas ang pinakailalim na layer ng ab muscles (transversus abdominis), pati nang mga braso, binti at pigi. Ang mga muscles ay makakatulong na ma-stabilize para makatagal sa ‘kama.’ Mag-planking ng isang beses sa isang araw ng 60 segundo o higit pa. Masakit ito sa mga daliri sa paa kaya subukan na magbalanse gamit ang tuhod.