^

Para Malibang

Boyfriend o magulang?

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Kate. Nakikipagbalikan po kasi sa akin ang ex ko. Mahal ko pa rin s’ya at sabi rin naman po n’ya na mahal rin niya ako at ramdam ko naman po yun. Hindi ko po alam kung dapat ko pa ba siyang sagutin dahil ayaw ko po siyang saktan. Mahal na mahal ko po s’ya ngunit ayaw ko naman pong suwayin ang mga magulang ko dahil pinagbabawalan po nila akong mag-bf. Ngayon nangungulit siya sa akin. Hindi ko po alam kung anong gagawin ko. Ang sabi n’ya gagawin n’ya daw lahat para sa akin. Liligawan n’ya ako sa bahay kung kailangan. Ano pong gagawin ko?

Dear Kate,

Kung mahal ka ng iyong ex, willing siyang maghintay hanggang sa panahong malaya na kayong magkaroon ng relasyon. Dapat mo ring maintindihan na kaya tutol ang iyong magulang na makipag-bf ka ay dahil bata ka pa at ang nais nila’y makapagtapos ka muna ng pag-aaral. Huwag kayong magmadali. Mas mabuti kung makikilala muna n’yo ang isa’t isa. Pero kung talagang mapilit ang iyong ex na ligawan ka sa bahay, gawin n’ya ito. Maaring ikatuwa pa ito ng iyong magulang sa halip nga naman na sa kalye kayo nagliligawan. Daan din ito upang ipakita n’ya sa pamilya mo na tapat ang kanyang layunin sa iyo. Nasa magulang mo na kung paano nila tatanggapin ang iyong ex at saka mo pa lang din malalaman kung aprub ba sa kanila o hindi na mag-bf ka na.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

DAAN

DAPAT

DEAR KATE

DEAR VANEZZA

HUWAG

ITAGO

KATE

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with