Panaginip: Naglalaba ako sa ilog ng mga puting uniform. Nahihirapan akong magkusot dahil tinta ng ballpen ang mantsang inaalis ko. Natapos ang panaginip na bahagya kong natanggal ang mantsa.---Juliana
Interpretation: Naguguluhan ang iyong isipan tungkol sa ginawa mo na batid mong mali. Sinusurot ka ngayon ng iyong konsensiya. Pilit mong kinakalimutan ngunit naroon pa rin ang “guilt” sa iyong puso.