NANG magbalik ang linaw ng batis, saka lamang nalaman ni Shirya na iba na ang nais bambuhin ni Burdugul.
Hindi pala napatay ng mala-gorilyang halimaw ang taong pumatay sa isa sa sandaang halimaw.
Ang hinahabol ngayon ni Burdugul ay ang taong kabilang sa mga nang-rape sa kanya.
Nalito ba ang kanyang pinakabagong pamuksa? O ito pala ay likas na bobo, hindi matalino?
Ang klaro, si Shirya ay galit na galit, naiinis, nakukunsumi. Nakasampung -buntunghininga na yata ang diwatang hubad sa mundo.
Tila pa minamalas, ang komunikasyon ni Shirya kay Burdugul ay biglang nagkaroon ng technical problem.
Hindi niya makontak si Burdugul. Nakikita lang niya sa malinaw nang tubig ng batis ang nangyayari sa mala-gorilyang halimaw at sa tinutugis nitong mortal, ang mabait ngang si Miggy.
Naniniwala pa rin ang diwata na si Miggy ay isa sa mga nang-rape sa kanya, bagay na hindi tutoo.
Ang tanging kasalanan ni Miggy, kung kasalanan nga, ay ang pagtingin nito sa hubad na kagandahan ni Shirya.
“SAKLOLO! Tulungan n’yo ako! Tawagan ninyo ang army!” sigaw ni Miggy sa mga tao sa paligid. “Dapat po nilang masugpo ang mga halimaw sa katawan ko pati na ‘yung humahabol na gorilya sa akin!”
Minalas pa si Miggy, biglang nadapang pasubsob sa lupa. Nadaganan niya ang 99 na halimaw.
“Eeeee!” sigaw ng kababaihang nakakasaksi. Nakikita kasi nila na malapit nang abutan ng mala-gorilyang nilikha ang guwapong binata.
“Takbo! Hayan naaa!” sigaw-babala ng mga ito kay Miggy. Halos tatlong dipa na lang ang agwat kay Miggy ni Burdugul.
KATAK-KATAK-KATAK. Helicopter ito ng sandatahang lakas. Bago pa nakaporma si Burdugul ay inulan na ito ng bala.
Prak-pak-pak-pak-pak.
Nataranta ang halimaw na 7-footer, hindi malaman kung saan susuling.
BLAMMM. Bazooka na ang itinira. Nabiyak ang ulo ni Burdugul. ITUTULOY