Sandaang halimaw (22)

PARA sa tulad ni Miggy na hindi kumakain ng bibingkang itlog, ang kakaibang putaheng niluluto ng ama mula sa bugok na itlog ay super-baho.

Nais na yatang bumaligtad ang sikmura ng mabait na binatang merong sandaang mumunting halimaw sa katawan.

Pero ang parents ni Miggy, na parehong kumakain ng bibingkang itlog, ay tanggap na tanggap ang amoy ng niluluto.

“Miguel, kapag tama ang teorya ko, ang hinahamak mong bibingkang itlog ang papatay diyan sa mga halimaw! “

Napaigtad ang mumunting halimaw, alam ang motibo ng mga magulang ng binata. Nakakaintindi na ang mga ito ng lengguwahe ng tao.

“ZZZPIGILANZZKIMOZZILAZZI!KUNDIZZIAYSAZZALAKAYZZIANGZZUICIDEZZEKK-EKKZZI!” madiing sabi ng tagapagsalita ng mga halimaw.

Klarong naintindihan ni Miguel or Miggy ang mensahe. “Oh my God! Daddy, Mommy, merong lilipad na halimaw! Mangangagat!”

“Ano’ng...?” Hindi na-gets ng ama. Hindi rin naunawaan ng ina.

Huli na ang pag-iwas ng mga magulang. Umigtad nang palipad mula sa katawan ni Miggy ang suicidal halimaw.

Tinuklaw nito sa leeg ang mommy ni Miggy. Paulit-ulit na kinagat.

Saglit lang nagkikisay ang mabait na ina; binawian agad ng buhay.

Kaylakas ng palahaw ni Miggy. “Mommyyy! Hu-hu-hu-huuu!”

Nagdilim sa galit ang isipan ng ama. Nanghalihaw na ng matalas na itak. Iwinasiwas iyon sa mga halimaw, parang nagtatabas ng  damo.

TSAK-TSAK-TSAK-TSAK.

Nagtalsikan ang mga halimaw na naputol; ang suicidal na nangagat ay tinadtad ng ama. TAD-TAD-TADD.

Nagkaputul-putol iyon, hindi na nakabalik pa sa katawan ni Miggy.

Kung gayo’y nabawasan ng isa ang sandaang halimaw; 99 na lamang.

SA TAGONG batis sa gubat, si Shirya ay hindi mapalagay; ramdam na nabawasan ng isa ang kanyang mga halimaw.

Kaso ay hindi alam ng diwatang ito kung sino sa mga nang-rape sa kanya ang nabawasan. Walang kakayahan si Shirya na abutin ng mga mata ang bawat detalye sa buhay ng masasamang lalaki.

Nagpadala agad ng special agent si Shirya para tulungan ang mga halimaw, sampung ulit na malupit ito kaysa sa mga halimaw. (Itutuloy)

Show comments