Mahilig ka ba sa itlog?
Isa sa pinakamasarap na pagkain ay ang itlog. Kaya lang marami rin ang takot na kumain nito dahil kilala ang itlog na nagtataglay ng mataas na cholesterol. Sa totoo lang, ang itlog ay maituturing na “super-food” dahil marami itong taglay na nutrients at vitamins na mabuti sa kalusugan. Sa isang pag-aaral, ang itlog ay tumutulong upang mapababa ang lebel ng LDL (low-density lipoprotein) at ang mga taong kumakain ng tatlong itlog sa isang araw o 12-itlog sa isang linggo ay mas mababa ang LDL kumpara sa taong hindi palakain ng itlog. Kaya kung mababa ang iyong LDL, tiyak na mas maganda ang lebel naman ng iyong HDL (High-density lipoprotein). Narito pa ang ilang dahilan bakit mabuti sa kalusugan ang itlog:
1. Mayaman ito sa bitamina B, C, D, E, K at marami pang iba.
2. Pinabababa nito ang blood pressure ng iyong katawan dahil ang taglay nitong “peptides” ang tumutulong para bumaba ang iyong dugo.
3. Mahusay na pagkunan ng protina, dahil ang isang itlog ay mayroong anim na gramo ng protina.
4. Mayroon itong omega 3 na mabuti naman sa iyong puso.
5 Taglay nito ang 9 na uri ng amino acids.
6 Nakakapagpababa ng cholesterol, ngunit ito ay maituturing na “good cholesterol”.
7 Nakakapagpatalino. Ang isang itlog ay mayroong 20% na choline. Ang choline ay importante para sa phospholipids na kinakailangan para maging alerto at matalas ang iyong cell membranes.
8. Mataas ang Lutein at Zeaxanthin. Mahusay ang mga bitaminang ito sa mata. Kaya, in short, pampalinaw din ng mata ang itlog.
9. Mayroong calcium. Ang isang itlog ay mayroong 50mg (5%) ng calcium. Kaya kung palagi kang kumakain ng itlog maaaring maiwasan ang pagkakaroon ng colon at breast cancer.
- Latest