Pagkahawa
Maaaring makahawa ang isang may tigdas sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, pagkadikit sa may sakit o sa kontak sa sipon o dura ng maysakit.
Maaari nang makahawa ang maysakit, bago pa man lumitaw ang mga pantal hanggang apat na araw matapos na lumitaw ang mga ito.
Tandaan: Kahit sa mga bansang halos wala nang maysakit na tigdas, maaari pa ring magkaroon ng pana-panahong kaso nito bunga nang “pagkaangkat” nito mula sa ibang bansa o mula sa mga nanggaling sa ibang lupaing may outbreak.
Kumplikasyon:
Pinakamalubhang kumplikasyong kaugnay ng tigdas ang:
* Pagkabulag
* Encephalitis o pamamaga ng utak
* Labis na pagtatae o diarrhea at dehydration o pagkaubos ng tubig sa katawan
* Impeksiyon sa tainga
* Matinding respiratory infection o impeksiyon sa baga gaya ng pneumonia
Paraan ng pag-iwas sa tigdas
Routine measles vaccination o bakuna para sa mga bata, kasama ang mass immunization campaign sa mga bansang may mataas na kaso ng pagkakasakit at pagkamatay na dulot ng tigdas ang pangunahing susi para masugpo ang sakit na ito.
Apat na dekada nang mapakikinabangan ng isang tao ang bakuna laban sa tigdas at marami nang panturok na mura at ligtas na magagamit.