Last Part
5. Hindi rin kayang tanggihan ng isang Adan ang isang Eva na masayahin at handang sumama sa kanya sa mga exciting adventure. ‘Yun tipong hindi lang pagluluto at pananahi ang alam. Nais ng mga lalaki ang isang babae na maaari niyang makasama kahit sa pag-akyat ng bundok, pagtawid sa dagat o kahit pa sa paglalaro sa alon o tinatawag na “surfing”. Isa kasi ang mga ganitong activities na maipapakita niya sa babae na kaya niya itong proteksiyunan.
6. Napapamahal din ang lalaki sa babaeng marunong rumispeto sa kanyang “ time and space”. Dumarating kasi sa kahit na sinong indibiduwal na nagnanais minsan na mapag-isa. Kaya dapat itong intindihin ng bawat isa. Maging ang babaeng marunong magtiwala at hindi selosa ay kahanga-hanga sa lalaki. Ipinapakita lang nito na siya ay may tiwala sa kanyang partner at sa kanyang sarilli.
7. Nai-in-love rin ang lalaki sa babaeng marunong lumutas ng kanyang problema at mas nagiging magaling at mabuting tao siya matapos itong pagdaanan. Babaeng marunong sumuporta sa mga bagay na kanyang adhikain at minamahal.
8. Higit sa lahat minamahal ng mga lalaki ang babaeng tinatanggap siya anuman ang kanyang naging pagkukulang at pagkakamali. Sa bandang huli ay tutulungan siyang muling makatayo at mas maging mabuting tao.