Alam n’yo ba na mayroong kanya-kanyang uri ng paintings ang bawat sibilisasyon gaya sa Egypt, Mesopotamia, China, Greece, Roma at India? Noong unang panahon ginagamit ang sining sa kanilang pagsamba at nang lumaon ay ginamit na rin ito sa pagpapaganda ng kapaligiran. Sa mga Egyptians, gumagawa sila ng paintings o larawan ng kanilang gods and goddesses at inilalagay ito sa paligid ng pyramids. Sa Mesopotamia (Iraq), inilalagay naman nila ang kanilang paintings sa dingding ng kanilang templo. Sa Greece naman, pinag-aaralan nila ang katawan ng tao kaya maging sa kanilang paintings ay nakaguhit maging ang mga muscles at hugis ng katawan ng tao. Ang mga Chinese naman ang unang gumamit ng papel sa kanilang paintings. Ito ay upang mapaunlad pa ang kanilang pagsusulat. Ang mga Indiano naman ay mahusay sa pag-ukit at pagpipinta sa pader