^

Para Malibang

7 paraan para sumigla ang ‘love life’ (1)

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Para lalong mag-init ang ating sex life, mas lumalim ang koneksiyon sa partner, mas magkaroon ng time para sa isa’t isa, subukan natin ang payo ni feng shui expert Ellen Whitehurst.

 Dumating na ba ang iyong hinahanap na partner? Kumuha ng pulang pansulat at puting papel.

Ayon sa feng shui, kung klaro ka sa mga bagay na nais mong mangyari sa iyong buhay, mas magi­ging madali itong dumating sa iyo.

Gamit ang pulang ballpen, pentel pen, marker o kahit anong kulay pulang pansulat, ilista sa papel ang mga qualities ng nais mong maging partner.

Ilagay ang listahan sa imahe ng  dalawang peonies (isang uri ng bulaklak) sa loob ng maliit na silver box at ilagay ang box sa relationship area (gamitin ang bagua map upang matukoy ang relationship area) sa bedroom ng 49-days.

 Gusto mo bang magka-baby?

Sa Eastern Culture, sinasabing ang espiitu ng iyong baby ay paikot-ikot sa iyong kama at naghihintay lamang na makapasok sa iyo.

Kung gustong magbuntis, huwag magwalis o linisin ang ilalim ng kama para hindi mais­torbo ang ‘paikkut-ikot  na espiritu’.

Ang elepante ay ang mga hayod na nagbibigay ng katuparan ng iyong wish, ayon sa feng shui. Maglagay ng magkapares na wooden elephants sa magkabilang side ng pintuan ng bedroom na parang papasok sila sa loob ng kuwarto para pumasok ang iyong wish sa loob ng kuwarto.

Maglagay din ng kahit na anong pambata tulad ng litrato ng bata o stuffed toys sa children area (gumamit ng bagua map) ng bedroom para maakit ang energies para maaakit ang pagbubuntis. Itutuloy

 

AYON

DUMATING

ELLEN WHITEHURST

GAMIT

ILAGAY

ITUTULOY

IYONG

MAGLAGAY

SA EASTERN CULTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with