^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (15)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGMIMITING ang mga halimaw sa labas ng tiyan ni Primo; alam na sila ay nanganganib mapuksa.

Hindi maintindihan ni Primo ang lengguwahe ng mga ito; parang mga ibong pipit, ipit at matinis ang boses.

“Bukikim-kimikekkek-sussumalakikikk-tralalam.”

Nagtatalu-talo ang mga ito, alam ni Primo. “Zimbabwekulas. Menggayukikam. Dedemogapapayasalakekek.”

NAGBAGO ng strategy ang pamunuan ng ospital na kinaroroonan ni Primo at mga halimaw.

“Seal  that room! Tiyakin na walang hangin na makakapasok. Siguruhin din na walang power sa loob—walang ilaw, walang electric fan, walang pagkain, etsetera!”

“E, director...meron pong mini-ref sa loob na merong lamang pagkain...” sabi ng isang nurse.

MERON ngang makakain sa ref. Nilalantakan ng mga halimaw ang peanut butter at strawberry jam.

Sarap na sarap ang mumunting halimaw. NGASAB. NGUYA. KAGAT.

Si Primo ay kayang-kayang hilahin ng mga halimaw.

Sa pagitan ng pagla­mon,  nakabuo ng depensa ang mga ito laban sa mga taga-ospital.   

“H-hindi ako makahinga... w-walang ha­ngin...” daing ni Primo.

‘Binombahan’ agad ng hangin si Primo ng isang halimaw. BUSSH.

Nakahinga nang maluwag ang isa sa mga rapists ni Shirya.

SI SHIRYA, ang napakagandang diwata ng nakatagong batis sa gubat, ay nakatanaw sa langit.

Parang komiks na nakadrowing ang mga eksena ng mga nang-rape sa kanya.  Alam niyang patuloy na pinahihirapan ng mga halimaw sina Max at Primo. Kahit paano ay nakakabawi sa bitterness niya sa mundo si Shirya.

Ang hindi pa niya alam ay kung nagdurusa na rin ang iba pang nanghalay sa kanya.

Tinubuan na ba rin ng mga halimaw sa katawan sina Brendon at Marko?

Napalunok si Shirya, naalala ang pinakabata. Si Miggy. 

(ITUTULOY)

ALAM

BINOMBAHAN

HALIMAW

PRIMO

SHIRYA

SI MIGGY

SI PRIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with