Ito ay ikalawang bahagi ng paksa kung anu-anong benepisyo ng pananalangin hindi lamang sa ispirituwal na aspeto ng iyong buhay kundi maging sa iyong pisikal na katawan. Narito pa ang ilan:
Mababang tsansa ng pagkakaroon ng depresiyon – Ayon sa isang pag-aaral sa United Kingdom, ang pananalangin ay nakakapagpababa ng tsansa ng depresiyon o anumang alalahananin. Ito ay dahil mas nagiging positibo ang iyong pananaw sa buhay. Kaya hindi ka masyadong natatakot o nangangamba sa mga bagay-bagay sa iyong buhay.
Nakakapagpatatag ng iyong emosyon – Kapag may problema ang isang tao na hindi niya na makayanan, naaalala niyang manalangin, ito ay dahil nawawala ang stress mo sa pag-iisip ng solusyon sa anumang suliranin. Pagkatapos mong magdasal, nagkakaroon ka ng mas malinaw na takbo ng isip kaya nakukuha mong bigyan ng solusyon ang iyong problema at muling nakakaramdam ng kalakasan sa iyong emosyon.