Anong sakit ang AIDS?

(Last part)

Kapag ikaw ay na-diagnosed na may HIV/AIDS, ito ang ilang paraan upang maiwasan ang pagakahawa ng iba:

Ang tanging paraan upang maprotektahan ang iyong partner sa HIV infection ay iwasang maki­pagtalik. Palaging gumamit ng latex condom para sa anumang sexual activity.

Kapag nagdadalang tao, nangangailangan ng agarang gamutan. Ang HIV infection ay maaaring maipasa sa iyong sanggol ngunit ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng agarang gamutan at maaaring maibaba ang posibilidad ng pagkahawa sa two-thirds.

Kailangang ipaalam ang iyong kalagayan sa mga taong nangangailangang malaman ito. Dapat mong ipaalam sa iyong dati at kasalukuyang karelasyon ang resulta ng iyong pagsusuri. Kailangan nilang sumailalim sa pagsusuri  at gamutan kapag sila ay nahawa. Sa nagdadalang tao na iyong nakatalik dapat niyang malaman na ikaw ay nagpositibo sa HIV dahil siya ay nangangailangan ng agarang gamutan para sa kanyang kalusugan at sa batang nasa kanyang sinapupunan. Dapat mo ring ipaalam sa iyong mga doktor na sumusuri sa iyo na ikaw ay positibo, hindi lang para protektahan sila bagkus upang mabigyan ka ng tamang pangangalagang medikal.

Kapag gumamit ng anumang intravenous drugs ay dapat hindi kailaman ipagamit sa iba ang karayum at heringgilya upang maiwasan ang pagkahawa ng dugo na infected ng HIV.

Huwag mag-donate dugo at organs.

Iwasang magpahiram ng personal na gamit kagaya ng pang ahit at toothbrushes. Ang mga bagay na ito ay makapagsasalin ng dugong infected ng HIV.

 

Show comments