Noong July 2012 ang U.S. Food and Drug Administration (FDA) ay inaprubahan ang paggamit ng Truvada, isang antiretroviral drug na pumipigil sa impeksiyon ng HIV. Ang Truvada ay kombinasyon ng gamot sa HIV (tenofovir disoproxil fumarate at emtricitabine) na ginagamit sa high risk HIV-negative persons para maprotektahan sila sa posibleng impeksiyon ng HIV. Pinipigil nito ang pagpasok ng bagong virus sa katawan. Sa paggamit ng antiretroviral medication ay para maiwasan ang HIV infection na kilala bilang Pre-exposure Prophylaxis (PrEP). Ang PrEP, ay iniinom araw-araw bago ang eksposyur sa HIV. Ang PrEP treatment para sa HIV ay aprobadong gamitin sa HIV-negative na mga lalaki nakipag - sex sa lalaki (MSM), transgender women na nakipag-sex sa lalaki, at heterosexual na lalaki at babae.