Alam n’yo ba na ang uri ng pagsusulat ng mga matatandang Egyptian noong unang panahon ay sa pamamagitan ng mga larawan? Ang tawag dito ay “hieroglyphics” na ang ibig sabihin ay “sacred carving” o banal na ukit. Napakaraming taon na ang nakalilipas na walang makabasa ng ibig sabihin nito. Ngunit lumipas ang ilang taon ay napag-aralan din ang kahulugan ng mga ito. Naniniwala rin ang mga Egyptian sa pagpipreserba ng katawan ng tao kahit pa ito ay patay na. Tinatawag itong “mummy”. Naniniwala kasi sila na ang tao ay binubuo ng tatlong kaluluwa. Ito ay ang “ka, ba at akh”.