^

Para Malibang

Nagka-relasyon sa kasambahay

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Peter, 51 anyos. Noong isang taon lang namatay ang asawa ko dahil sa sakit na cancer. Bago siya namatay ay nagkaroon ako ng relasyon sa aming kasambahay. Lalaki lang ako na may pangangailangan. Humanap ako ng ibang kandungan at natagpuan ko ito sa maid namin. Kaya nang mawala ang asawa ko ay ganun na lamang ang sakit ng aking kalooban. Iniisip ko ngayon, marahil ay naiintindihan ako ng aking misis saan man siya naroroon ngayon. Pero maski paano parang may sumbat sa aking konsensiya. Bakit ko nagawa iyon sa isang asawang uliran. Napamahal na sa akin ang aming kasambahay. Hanggang ngayon ay nagsisiping kami na parang mag-asawa. Hindi alam ng kaisa-isa kong anak na may pamilya na rin, ang relasyon namin. Ewan ko kung papayag siya na pakasalan ko ang maid namin na 30 years old na at dating may kinakasama. Tama ba kung magpakasal ako sa kanya?

Dear Peter,

Wala namang batas na nagbabawal kanino man na magpakasal kahit kanino, anuman ang estado sa buhay, basta’t walang legal na balakid. Kung inaakala mong mahal mo siya, malaya ka na pakasalan ang babaeng napupusuan mo. Mas tama ito kaysa magsama kayo bilang mag-asawa na walang kasal. Tungkol sa anak mo, ipagtapat mo ang lahat sa kanya. Karapatan din niyang malaman ang balak mo. Maaaring tumutol siya pero kung talagang gusto mo yung babae wala rin siyang magagawa. Kung nagkasala ka man noon sa asawa mo, siguro nama’y pinagsisihan mo na ito at inihingi ng tawad hindi lang sa iyong asawa kundi lalo na sa Dios. Kalimutan mo na ito at huwag mo nang hayaang multuhin ka ng iyong nakaraan. May karapatan kang lumigaya at ang mundo ay hindi dapat huminto sa pagpanaw ng iyong mahal na misis.

ASAWA

BAKIT

DEAR PETER

DEAR VANEZZA

DIOS

EWAN

HANGGANG

HUMANAP

INIISIP

KALIMUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with