NAKABIBINGI ang sigaw ni Max, yumanig sa buong silid-tulugan nilang mag-asawa. “AAAAHHH!”
Nagising ang misis ni Max. “Papu, b-bakit...?”
“E-Ester, natupad ang sumpa ng babae sa batis! Hu-hu-hu-huuu.”
Naibaba na ni Max ang t-shirt na pantulog, hindi nakikita ni Ester ang sandaang halimaw.
“E-Ester, n-naengkanto kaming magkakabarkada noong mamaril kami sa gubat,” pagsisinungaling ni Max; hindi sinabi ang katotohanan.
“A-anong klaseng sumpa, Papu?” Namumutla ang misis. Kita kasi ang matinding takot sa mukha ni Max.
Itinuro ni Max ang tapat ng tiyan na natatakpan na ng t-shirt. “Tinubuan “Anooo?”
“Pakitawagan ang barkada ko! Kailangan ko ‘ka mo silang makausap!”
“T-titingnan ko muna a-ang sinasabi mong tumubo diyan s-sa katawan mo, Max...please.”
“Hindi puwede, Ester, mamamatay ka sa takot! Kakampi kita, ayokong mamatay ka!”
“Hu-hu-hu-hu... oo, tatawagan ko na ang barkada mo. Hold on, Papu.” Nagpunta na sa telepono sa labas ng silid si Ester.
SA TAGONG batis sa gubat, si Shirya ay tahimik na nakaupo sa batuhan. Madaling araw na. Ang bilog na buwan ay nananatiling nakikita.
Nadarama ng diwata ang katuparan ng kanyang sumpa. “Nagsisimula nang magdusa ang mga walanghiya...
“Malapit na silang magsisi kumbakit sila isinilang sa mundo...”
Tinanaw ni Shirya ang kuwebang nasa likuran ng waterfalls. Naroon si Eugenio, nakalibing na ang lalaking tanging minamahal.
“Naipaghihiganti na kita, Eugenio. Manahimik ka na sa kabilang buhay, mahal. Rest in peace now.”
“AAAHH!” sigaw ni Max. Parang hinihiwa ng matalas na blade ang kanyang tiyan. Nginangatngat siya ng sandaang halimaw. (Itutuloy)