Paano Makakamtan ang ‘Good Luck’?

Minsan ay may pakiramdam kang hindi maganda ang iyong araw. Pakiramdam mo ay minamalas ka. Narito ang “shortcut” na paraan para makamtan ang good luck. Pumili lang ng isang gagawin.

1---Pagkiskisin ang dalawang kamay ng isang minuto. Sa ganitong paraan, pinasisigla mo ang meridian points ng iyong katawan. Ang meridian points ay iyong pinipindot kapag nagpapa-acupressure ka.

2---Imasahe ng marahan ang iyong ulo gamit ang mga daliri sa loob ng isang minuto. Pinasisigla ng ganitong pamamaraan ang blood circulation ng ulo kaya lumilinaw ang iyong isipan o mental aura.

3---Hilahin nang paulit-ulit sa loob ng isang minuto ang iyong earlobes.

4---Paikutin ang mata, clockwise, ng 30 seconds. Tapos paikutin ng counter clockwise ng another 30 seconds.

5---Himasin ang ilong gamit ang hinlalaki ng isang minuto, kung walang relo, himasin ng 50 times.

6---Marahang diinan ng palad ang pusod sa loob ng isang minuto. Nakakatulong ito upang ma-improve ang digestion.

7---Himasin ng isang minuto ang talampakan.

8---Gawin ang numbers 1 to 7 ng isang minuto kada araw.

 

Show comments