May mga taong sadyang hindi masabi ang kanilang nasa saloob kaya naman sa dinadaan na lang nila ito sa kilos. Anu-ano nga ba ang ibig sabihin ng isang lalaki sa kanyang mga kilos? Narito ang ilan:
Naglalakad ng magkaakbay – Kapag nais ng iyong bf/mister/partner na magkaakbay kayo habang naglalakad, ipinapakita niya lang ang pagkakaroon ninyo ng maayos na relasyon sa isa’t isa. Nagpapahayag din ang ganitong kilos na hindi lang kayo basta magkarelasyon kundi magkaibigan din at nagbibigay ng tiwala sa bawat isa.
Pagkurot sa puwet – Ang taong gumagamit ng ganitong uri ng pangunguha ng atensiyon sa kanyang partner ay maituturing na “sexy”. Ayon kay Sandra Caron, PhD, professor mula sa Family relations and human sexuality sa University of Maine, nais ipahiwatig ng lalaki na magkaroon ng “intimate activity” sa’yo. At tila ba sinasabi niyang “Naalala mo pa ba ko at ang paglalambing ko sa’yo?”. Nagpapakita rin ito ng kumpiyansa na alam niyang iisa ang inyong damdamin sa isa’t isa kaya pagbibigyan mo siya.
Pagkikiskis ng kanyang ulo sa’yo – Kapag may taong idinidikit ang ulo niya sa’yo, tiyak na maiirita ka. Pero, kapag ang partner mo ang gumawa nito sa’yo, tiyak na kikiligin ka dahil nagpapahayag ito na totoo at “ideal” ang inyong relasyon.
Hinahawakan ang iyong ulo kapag hinahalikan ka niya – Ang paghawak sa ulo mo ng iyong partner ay indikasyon na mayroon siyang masidhing damdamin para sa’yo. Karaniwang ginagawa ito kapag kayo ay nasa pribadong lugar lang at maituturing itong “ultra romantic”na paraan para magkonekta ang inyong mga emosyon at sandaling iwan ang mundo.