Panaginip: Nagbibisikleta ako habang ang aking ina ay nauunang naglalakad sa aking unahan. Hindi ko mapabilis ang takbo ng bisikleta dahil ayaw kong maiwan ang aking ina. Napansin kong ang tabi ng kalsadang dinadaanan namin ay isang malawak na rice field. Nagsalita ang aking ina na hinog na raw ang mga palay. Napansin kong may rabbit na sumusunod sa akin.---Gayle
Interpretation: Ang bisikleta ay ang iyong potensiyal o kakayahan na magdadala sa iyo para marating mo ang iyong pangarap. Ang rice field ay mga opportunities at ang kalsada ay ang landas na iyong tinatahak patungo sa tagumpay. Nagdadalawang isip ka na tanggapin ang bawat opportunity na dumarating sa iyong buhay dahil sa iyong ina. Ang rabbit ay simbolo ng ina.