Mga importanteng bagay sa bag ni ate
Karamihan sa mga babae ay gumagamit ng malalaking bag. May mga babae kasi na hindi kontento kapag hindi dala ang kanyang mga personal na gamit kahit na hirap na hirap na sa kanyang pagdadala. Narito ang mga importanteng bagay na dapat palaging nakalagay sa iyong bag:
Sunscreen – Dahil sa sobrang nipis na ng ozone layer ng mundo, halos direkta ng pumapasok ang init ng araw sa atin at ito ay nakakapagdulot ng sakit sa balat. Kaya naman dapat na palaging mayroon nito sa iyong bag para maprotektahan ka sa sakit gaya ng skin cancer.
Bottled water – Importanteng palagi kang may dalang tubig saan ka man pupunta. Makakatulong kasi ito sa iyong mga internal organs na makapag-function ng maayos kahit pa tag-init. Nakakatulong din ito na mailabas ng iyong katawan ang mga toxins na nakuha mo mula sa pagkain o inumin. Sa totoo lang, hindi mo na dapat hinihintay na ikaw ay mauhaw, dahil sa oras na natuyo na ang iyong lalamunan, ibig sabihin nito ay nade-dehydrate ka na o nagkukulang na ang level ng tubig sa iyong katawan.
Masustansiyang meryenda – Minsan, may pakiramdam ka na gustong-gusto mong kumain ng junk food o chichiria, kaya para naman maprotektahan mo ang iyong sarili sa mga ganitong uri ng pagkain, dapat ay palagi kang may dala sa iyong bag na masustansiyang meryenda o kutkutin gaya ng mani, popcorn o mga pagkaing mababa lang ang calorie.
Hand sanitizer – Para mapanatili mong malinis ang iyong mga kamay, magbaon ka lagi ng sanitizer sa iyong bag lalo na kung madalas kang humahawak ng pera. May mga paper dust kasi na maaaring kumapit sa iyong balat, lalo na ang balat mo sa mukha na magiging sanhi ng pimple o acne.
- Latest