Tumakbo ang mesa?

Panaginip: Nagpunta ako sa isang piyestahan. Pumasok ako sa bahay ng aking kaibigan  pero walang tao. Nakakita ako ng mesang may tablecloth pero maraming mantsa. Nasa isip ko’y naubos ang handa kaya wala nang tao. Pero natakot ako nang kusang gumalaw ang mesa at para itong may buhay na tumakbo palabas ng bahay. --- slee­ping_forever

Interpretation: Makakaranas ka ng sunud-sunod na pagbabago sa iyong buhay. Magdudulot ng kabutihan sa iyo at sa buong pamilya ang pagbabagong magaganap. Magkaganoon pa man, may magaganap na pag-aaway sa pagitan mo at sa isang taong malapit sa iyo.

Show comments