Nitong mga nagdaang araw marami sa ating mga kababayan ang nagluksa sa sinapit ng mga 44 SAF commandos sa kamay ng mga rebeldeng muslim. Para sa ating mga kababayan ay sila ang mga makabagong bayani ng ating panahon na handang magbuwis ng buhay alang-alang sa pagtatanggol sa ating Inang Bayan. Sa mga kasamahan nilang nakaligtas ay naiwanan sa kanila ang mapait na sinapit ng kanilang kasamahan. Kadalasan ang mga taong dumaranas ng ganitong sitwasyon ay nakakaranas ng matinding trauma kagaya ng mga kasamahan ng “Fallen 44” na nakaligtas sa matinding labanan. Maaaring dumanas sila ng post-traumatic stress disorder (PTSD). Karamihan sa taong dumaranas ng PTSD ay ang mga sundalong dumaan sa matin-ding labanan kabilang na ang may mapapait na pinagdaanan sa buhay maaaring humantong sa ganitong kundisyon. Ang post-traumatic stress disorder (PTSD) ay maaaring maranasan ng mga taong dumaan sa matinding kasawian at mga nakasaksi ng trahedya na karaniwan sa mga trabahong kagaya ng emergency workers at law enforcement officers. Puwede rin itong mangyari sa mga kaibigan o miyembro ng ating pamilya na dumanas ng actual trauma.
Mga traumatic na pangyayari na maaaring humantong sa PTSD kagaya ng:
• Giyera
• Natural disasters
• Car o plane crashes
• Terrorist attacks
• Bigalaang pagkamatay ng minamahal
• Panggagahasa
• Kidnapping
• Sekswal o pisikal na pang-aabuso
• Napabayaan nung kabataan