(Last part)
Ang paminsan-minsang pagsumpong ng pamamantal ay maaaring sanhi ng iyong mga kinakain. Kailangang magkaroon ng food diary para malaman ang mga pagkaing bawal na sanhi ng pamamantal. Maraming dahilan ang nagpapalala ng sintomas pero hindi naman ito ang pinagmulan. Naririto ang mga bagay na makakatulong sa paglala ng mga sintomas kagaya ng:
Manatili sa malamig na lugar, nagpapalala sa kondisyong urticaria ang pananatili sa mainit na lugar. Kung oras na ng pagtulog panatilihing malamig ang kuwarto sa gabi.
Ilan sa mga bagay na nagpapalala kagaya ng: alcohol, hot baths, matinding sikat ng araw at emotional stress. Kapag isa man sa nabanggit ang sa tingin mo ang nagpapalala sa sintomas ng urticaria ay makakatulong kung ito’y iiwasan.
Sumangguni sa doktor para sa tamang gamutan sa sakit na ito. Kapag sa tingin mo ang gamot na iyong iniinom ay nagpapalala sa sintomas na iyong nararanasan dapat na ito ay isangguni sa iyong doktor upang maresetahan ng bagong gamot na magpapagaling ng iyong kondisyon. Ang ilan sa mga gamot na maaaring magpalala ay gaya ng aspirin, anti-inflammatory painkillers, codeine, at angiotensin-converting enzyme (ACE) inhibitors.
Steroid tablets
Ang steroids ay nakakabawas ng pamamaga at maaaring makahupa ng urticaria. Ngunit hindi ito karaniwang gamutan dahil sa seryosong side-effects nito na lumalabas kapag regular na gumagamit nito. Iminumungkahi na limitahan ang paggamit nito.
Iba pang gamutan
May iba’t ibang gamutan na napag-alaman na may epektibong resulta na iminumungkahi ng mga espesyalista kagaya ng:
Istriktong pag-iwas sa mga pagkaing maaaring magpapalala.
Pills. Pumipigil sa immune system (immunosuppressant therapy, ciclosporin.) Hindi ito malimit gamitin dahil sa panganib ng seryosong side-effects nito.
Gamutan na may kaugnayan sa angio-oedema
Ang antihistamines ay karaniwang nakakatulong para mabawasan ang pamamaga sa angio-oedema. Paminsan-minsan ay ginagamitan ng adrenaline injection at kailangang dalhin sa ospital kapag naapektuhan na ang lalamunan at nahihirapan na sa paghinga.