Panaginip: May tatlong malalaking daga na pakalat-kalat sa aming kusina. Natakot ako kaya hiningi ko ang tulong ng aking ina na patayin namin ang daga. Pero hindi niya ako pinansin. Muling may nagdaang daga pero maliliit na ito. Naitanong ko sa aking sarili kung gaano na kaya karami ang daga sa aming bahay. ---Mx4
Interpretation: Ang daga ay simbolo ng mga hadlang sa iyong buhay. Ngunit sa paglipas ng araw ay tuluyan nang mawawala ang hadlang upang makamtan ang tagumpay. Ito ang ibig sabihin na maliliit na lang ang dagang nakita sa ikalawang pagkakataon.
Ang hindi pagpansin ng iyong ina sa iyong pakiusap ay tumutukoy sa relasyon ninyong dalawa. Maaaring wala siyang pakialam sa iyo o hindi siya sensitive para madama niya ang pangangailangan mo sa kanya.