Bakit nilalayuan ka niya? (1)
Narito ang sampung dahilan kung bakit nagiging malayo sa’yo ang iyong partner o asawa.
Stressed – Kapag nakakaranas ng stress ang isang tao, nais niyang mag-isa at ng katahimikan, kaya ang kanyang gagawin ay lalayuan ka niya. Kaya mas mabuting bigyan siya ng panahong mapag-isa, dahil kahit na ano pang nais mong gawin para maging intimate kayo sa isa’t isa ay mababalewala lang lahat.
Palagi kayong nag-aaway – Kung tila kayong dalawa ay aso’t pusa, walang duda na pakiramdam ng iyong partner ay naglalakad siya sa gitna ng mga bubog. Kaya kung nakikita mo siyang malayo sa’yo posibleng umiiwas lang siya sa gulo. Maaaring maputol ang ganitong gawain ng iyong asawa kung susubukan na makipagbati sa kanya.
Kawalang ng “space” – Napakagandang tingnan sa isang mag-asawa kung palagi kayong sweet at nakikitang madalas na magkasama. Kaya lang hindi pa rin dapat na ipagdamot ng isa’t isa ang personal space nila. Kapag nakikita mong tila nasasakal na siya dahil sa iyong “presence” sa kanyang paligid, agad na lumayo ng kaunti para kapwa kayo makahinga at ma-miss ang isa’t isa.
Napapagod – May mga pagkakataon na ayaw lang talagang magsalita ng iyong partner dahil sa pagod na kanyang nararamdaman. Kapag ganito ang nakikita mong senaryo, bigyan siya ng pagkakataon na makapagpahinga at matulog, dahil tiyak na sa kanyang paggising ay sasalubungin ka niya ng isang mainit na yakap at halik dahil ibinigay mo sa kanya ang nais niya, walang iba kundi ang makapagpahinga.
“Boredom” – Kahit anong gawain kung iisa ang iyong “routine”, tiyak na mababagot ka. Kaya bigyan ng spice o painitin muli ang inyong relasyon, lalo na kung matagal na kayong hindi nagdi-date. Maaari mo rin siyang bigyan ng regalo kahit walang okasyon. Kung si ate ang nakikita mong nababagot, bulaklak lang ang katapat niya, tiyak na mui mo siyang mapapakilig. Kung si mister naman, ipagluto mo lang siya ng kanyang paboritong pagkain ay tiyak na sasaya na siya.
- Latest