Ito ay huling paksa kung paano maiiwasan na masabotahe ang magagandang araw mo sa pagbabakasyon. Narito ang ilang hakbang;
Ihanda ang mga ‘chargers’ at ‘converter’ – Kapag naiwan mo ang charger ng iyong mga gadgets at electricity converter, parang iniwan mo na rin ang iyong camera, cell phone at computer sa iyong bahay. Kaya kung gagawa ng listahan ng mga dadalhin sa maleta, isama ang mga ito.
Tamang pag-i-schedule – Tiyakin mong hindi ka mangangarag sa gagawin mong pamamasyal, kaya naman dapat siguruhin na hindi patung-patong ang oras ng iyong biyahe. Hindi mo dapat na pagsabayin ang araw ng iyong pag-alis (departure) sa lugar na iyong pupuntahan at ang araw ng iyong pamamasyal pagdating mo rito. Halimbawa, kung ang departure mo ay Lunes ng umaga, at ang “cruising” o pamamasyal mo sa lugar na kailangan mo pang sumakay ng isa pang eroplano o barko. Dahil sa oras na ma-delay ang iyong flight patungo sa bansang iyong pupuntahan, tiyak na maiiwan ka ng barko o eroplanong naghihintay sa’yo doon. Mas mabuting ang unang araw mo sa lugar/bansang iyong pupuntahan ay maituturing na “free day”. Para mula sa airport ay sa hotel ka didiretso at makapagpahinga. Magkakaroon ka rin ng panahon para maikot ang “city” na malapit lang sa iyong hotel.
Laging magdala ng sunscreen – Huwag itong kalimutan lalo pa’t alam mong mainit ang lugar na iyong pupuntahan.
Pamamasyal sa madaming lugar – Minsan dahil sa sobrang dami ng lugar na pupuntahan mo, hindi mo na tuloy napupuntahan kung ano ang pinakaimportanteng lugar. Isulat ang mga lugar na mahalagang dapat mo makita at unahin itong puntahan.