Magpapalit ng pera – Bago ka tumuloy sa iyong flight, dapat na ihanda mo rin ang perang (currency) gagamitin mo sa lugar na ‘yun. Halimbawa, kung sa Hong Kong ka mamasyal dapat na mayroon ka ng Hong Kong dollars, kung sa Thailand naman, dapat ay mayroon kang Thai Baht. May mga bansa o lugar kasi na kakaunti o halos walang money changer corner, hindi kagaya rito sa ating bansa. Isa ito sa pinaka importanteng bagay na hindi dapat kalimutan.
Umaasa sa pampublikong sasakyan – Masarap din naman makaranas na sumakay ng pampublikong sasakyan sa ibang bansa gaya ng tren, local bus. Pero dahil hindi mo pa rin naman kabisado ang sistema ng transportasyon dito, dapat ay mabigyan mo ang iyong sarili ng “option”. Bakit hindi mo subukang maglakad-lakad halimbawa, lalo na at malapit lang naman ang iyong pupuntahan.
Ito ay ikatlong bahagi ng paksa kung paano bumiyahe sa malayong lugar ng hindi ka makukunsumi. Narito pa ang ilang tips:
Hindi pananamit ng tama – Bago mo ilagay sa maleta ang iyong mga damit, dapat na pag-aralan mo munang mabuti ang “fashion” at klima ng lugar na iyong pupuntahan. Kung malamig sa lugar, siyempre, dapat na panlamig na damit ang iyong dadalhin. Kung “summer” naman, hindi ka dapat na magdala ng jacket dito. Higit sa lahat, dapat kang magdala ng damit na hindi mo mababastos ang mga tao sa lugar na iyong pupuntahan. Baka naman labag sa kanilang tradisyon ang magsuot ng sleeveless at shorts. Kaya hindi ka dapat magdala ng mga ganitong uri ng damit.
Paggamit ng credit/debit card ng hindi alam ng bangko – Kahit nasaan ka pa, kung biglang ide-decline ang iyong card, talaga naman maba-bad trip ka. Bagama’t puwede naman magreklamo sa iyong bangko sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, hindi pa rin ito magiging madali sa’yo lalo pa kung ikaw ay nasa abroad. Kaya bago pa man mag-take-off, tawagan mo muna ang iyong bangko at tiyaking gagana ang iyong card kahit nasaang planeta ka man.