Mga lunas sa lower back pain:
Ugaliin ang pag-eehersisyo. Magbisikleta, lumangoy, maglakad, upang mapanatiling malusog ang inyong likod. Ang yoga ay isa ring magandang paraan upang kalabanin ang mga kirot sa likod subalit tiyaking ito ay nagagabayan kayo ng isang eksperto.
Itaas ang mga paa. Upang mapawi ang pananakit ng likod, isang madaliang paggamot upang guminhawa ay ang humiga sa kama at isandal ang mga paa sa dingding, na ang mga binti ay 90 degree angle sa inyong dibdib.
Gumamit ng komportableng kasuotan. Ang masisikip na pantalon o palda ay pumipigil sa malayang pagkilos lalo sa bahagi ng baywang at likuran.
Labanan ang osteoporosis.Upang maiwasan ito, ipinapayo ng mga doktor ang pagkonsumo ng mga pagkaing may sapat na bitamina ng calcium at ang regular at hindi kabigatang pag-eehersisyo.
Umiwas sa pagsusuot ng sapatos na mataas ang takong. Ang paggamit ng sapatos na may isa at kalahating pulgada o may tatlo hanggang apat na sentimetro ang taas ay makapagdudulot ng dagdag na pasanin sa inyong likod.
Baguhin ang posisyon. Kapag ang trabaho ay nangangailangan ng mahabang oras ng pag-upo, tumayo kada oras at maglakad-lakad. Ganoon din sa pagtayo. Bigyan ang sarili ng ilang sandali ng pag-upo at gawin ang iba pang trabaho.
Wastong Pagkain
Maraming pinagmumulan ang pagsakit ng likod subalit mahalaga pa rin ang pagkonsumo ng pagkaing balanse sa sustansiya.
Ugaliin ang pagkakaroon ng tamang postura. Magpababa ng timbang, at palakasin ang mga buto. Upang mapanatili ang malusog at malakas na buto sa inyong likod, kumain ng prutas, sariwang gulay at isda, at umiwas sa taba ng hayop, asukal, asin, alkohol, tsaa at kape. Ang kakulangan sa sapat na bitamina at mineral ay makasasama sa sirkulasyon ng dugo na magiging sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa likod, tensiyon sa leeg, at paninigas ng kalamnan.