Dahil malapit na ang Chinese New Year, pag-usapan natin ang paggamit ng Feng Shui para pag-initin ang inyong sex life. Dumarating talaga sa puntong nagiging boring ang inyong relasyon o kaya ay nagiging madalas ang inyong pag-aaway, nagkakasawaan at iba pa. Bukod sa pag-e-emote sa mga kaibigan, paggigimik, pagsa-shopping at iba pa, maaaring makatulong ang paggamit ng feng shui sa iyong bedroom.
Naniniwala ang mga Feng Shui experts na ang kulay ng iyong bedroom ay makakatulong sa iyong love life at maging sa sex life dahil nagkakaroon ng positive chi energy sa pagitan mo at ng iyong partner.
Subukan ang mga sumusunod feng shui colors para malaman kung ano ang epektibo para sa inyo ng iyong partner.
Pula - Sa feng shui, ang pula ay kumakatawan ng fire element, kaya puwedeng makapagpaalab ito o makapagpahina ng apoy. Kung nais mong pag-initin ang sex life piliin ang pula. Ngunit kung lagi kayong may issue ng iyong partner, iwasan ang kulay na ito o kaya naman ay piliin ang mas lighter shade ng kulay na ito imbes na ang matitingkad na kulay pula.
Dilaw - Ang dilaw ay simbolo ng earth, lucidity at optimism. Sa ibang Asian cultures, ito ay kinokonsidera bilang imperial color at maraming feng shui masters ang nagsasabing mas beneficial ang kulay na dilaw kaysa sa pula kung wealth at health ang pag-uusapan. Gumamit ng matitingkad na shade ng yellow kung gusto mo ng open-minded, honest relationship. Gumamit ng mas magaang na kulay dilaw tulad ng amber, daffodil at sunset gold para magkaroon ng mellow sensuality. Kung mayroon kang insomnia, hindi inirerekomenda ang kulay na ito. (Itutuloy)