Patay na ako, mahal (33)
“ANONG pruweba ang hahanapin mo ‘ka mo, Russell?” usisa ni Avery sa tanging lalaking natutunang mahalin. “Na sabi mo’y ihaharap mo sa akin?”
“Magre-research ako, siguro’y sa National Library, bahala na. Kapag nahanap ko na ang ebidensiya na ikaw ay hindi pa patay—saka ako babalik dito, mahal.” Walang babalang hinawakan ni Russell ang kamay ni Avery.
Napaigtad ang dalaga. “Russell, ano ba?”
“Naramdaman mo ang paghawak ko, Avery. You are supposed to be dead gaya nang ipinagpipilitan mo”.
Nakasalag naman agad ang dalaga. “Hindi ko naramdaman ang hipo mo, Russell, nagkakamali ka. “Automatic reaction ang ginawa ko, umilag lang ako pero wala na talaga akong isang kamay”.
Iiling-iling na naman si Russell. “Fine, Avery, paniwalaan mong uka o butas ang iyong tiyan.
“Paniwalaan mo ring putol na ang isa mong kamay...” “Naniniwala talaga ako. Ako ang may katawan, Russell”.
“Kung gayo’y ano ang isusunod mong paniniwalaang wala na rin—ang iyong mga paa?” sarkastikong sabi ni Russell.
Nilamigan ni Avery ang ulo. “Go on kung anuman ang dapat mong gawin, Russ. Pakidala na ang pagkaing ayaw nating kainin, pakibigay mo nga sa mga nagugutom na tao or hayop”.
“I will, maawaing tao ako, Avery”.
Tinungo na ni Russell ang pintuang sarado, binuksan iyon mula sa loob ng musoleyo. Sinulyapan niya si Avery. “Pagbalik ko’y narito ka pa ba?” Bahagyang nalito ang dalagang naniniwalang patay na. “Are you joking, Russ? Saan mo ba inaakalang pupunta ako, ganitong kulang-kulang na ang aking body parts?”
Napabuntunghininga ang binata. “Siguro’y natatalo lang ako ng frustration, Avery. Ayaw mo nga kasing maniwala na buhay ka”.
“Russell, mahal... ikaw ang dapat manatiling buhay”. “An’ labo mo talaga, mahal”. sagot ni Russell. May naalala si Avery, na posible pala niyang pupuntahan agad—pag-alis na pag-alis ni Russell. Pero sinarili na lang ito ng dalaga. (Itutuloy)
- Latest