Last part
Southeast. Green ang kulay na gagamitin dito upang lalong maging malikhain ang mga nakatira sa bahay at maging magaan ang daloy ng pera papasok sa tahanan.
South. Red at orange ang gamitin para sumikat o kilalanin sa propesyong iyong pinasukan. Nagdadala ito ng suwerte para kilalanin ng iyong boss ang mga pagsisikap mo sa trabaho.
Southwest. Ito ang direksiyon na kapag pinagyaman ay susuwertehin ang mga nakatira sa lovelife o pakikipagrelasyon niya sa kanyang kapwa. Dilaw, pula at brown ang magdadala ng suwerte sa Southwest.
West. Masuwerteng gamitin ang white, gold, silver, yellow at brown. Kapag na-energize o napagyaman ang lugar na ito ay susuwertehin ang mga anak sa kanilang pag-aaral at career. Kung may anak na tamad mag-aral, ang west sector ng bahay ang dapat i-check.
Northwest. Puti, gold at silver ang mga kulay na magbibigay sigla sa northwest. Ang epekto ay laging may mga taong tutulong sa inyo upang matupad ang inyong mga pangarap. Mainam din ito sa mga taong may hinahawakang mataas na posisyon sa trabaho o organisasyon. Northwest ang pagyayamanin para maging effective siyang pinuno at makuha niya ang loob ng kanyang mga tauhan.