Wastong Pagkain
Maraming pinagmumulan ang pagsakit ng likod subalit mahalaga pa rin ang pagkonsumo ng pagkaing balanse sa sustansiya.
Ugaliin ang pagkakaroon ng tamang postura. Magpababa ng timbang, at palakasin ang mga buto. Upang mapanatili ang malusog at malakas na buto sa inyong likod, kumain ng prutas, sariwang gulay at isda, at umiwas sa taba ng hayop, asukal, asin, alkohol, tsaa at kape. Ang kakulangan sa sapat na bitamina at mineral ay makasasama sa sirkulasyon ng dugo na magiging sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa likod, tensiyon sa leeg, at paninigas ng kalamnan.
Mga Sustansiyang Kailangan ng Katawan
• Bitamina A. Mahalaga ito para sa matigas na buto, upang mapanatili ang mucous linings, at pananariwa ng selula ng balát. Mahalaga rin ito sa tendons at muscle tissues. Matatagpuan ito sa mga butil, sariwa o binurong prutas, gulay, munggo, mantika, karne, at isda.
• Bitamina B6. Kinakailangan ito para sa kalusugan ng isip at pangangatawan. Mahalaga rin ito para mapalakas ang panlaban sa sakit. Sumusoporta ito sa metabolismo, lalo na sa protina. Binabalanse ng B6 ang mga hormone at dinudurog ang mga taba at carbohydrate. Nakatutulong din ito upang makabawi sa pagod at pamimintig ng laman, at maiwasan ang pananakit ng likod. Taglay ito ng mga buto ng sunflower, binurong prutas, saging, soya, at mani o kasoy.