Purnada ang kasal

Dear Vanezza,

Just call me Armie, 26 at dalaga pa. Dapat sana’y ikinasal na ako sa bf ko last year pero hindi natuloy. Nagalit kasi ako sa kanya. Isang buwan bago ang wedding, may girl na nag-eskandalo. Pinuntahan ako sa bahay at sinabing nabuntis siya ng bf ko. Nang komprontahin ko ang bf ko, umamin siya. Pero sabi niya tinukso lang siya nung babae at hindi niya ito mahal. Nakipag-break ako sa kanya kahit engaged na kami. Talagang hate na hate ko siya dahil sa ginawa niya. Pati parents ko ay nagalit. Ngayon binabalikan ako ng bf ko. Sabi niya hindi naman pala buntis yung babae, nag-artista lang para mapigil ang kasal namin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Feeling ko hindi pa nawawala ang galit ko sa kanya pero may nagbubulong sa aking puso na mahal ko pa rin saya. Nang tanungin ko ang advice ng parents ko, sabi nila patawarin ko na raw siya. Ano ang gagawin ko? Tulungan mo akong mag-decide.

Dear Armie,

Ikaw lang ang makakapag-decide n’yan. If your hatred has overcome love totally, then makabubuti kung tuluyan mo na siyang talikuran. Pero sabi mo may nagbubulong sa puso mo na mahal mo pa rin siya. Love forgives. Love gives another chance. Konsultahin mong mabuti ang iyong sarili para makumpirma kung talagang mahal mo pa siya o hindi na. Ang tao ay tao at may pagkakataong nagkakamali. Pero kung siya’y kumikilala ng kasalanan at nagsisisi, any person deserves another chance.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments