Alam n’yo ba na noong unang panahon itinuturing na “aphrodisiac food” ang asparagus? Ito ay dahil marahil sa hugis nito. Sa mga pag-aaral, ang asparagus ay nakakatulong para maalis ang iyong hangover at pinoprotektahan nito ang liver cells laban sa masamang naidudulot ng alak sa katawan. Lumalabas pa rin na 40% ng mga taong kumakain ng asparagus ay mas mapanghi ang ihi kumpara sa karaniwang tao. Nagtataglay ng folic acid ang asparagus na tumutulong para labanan ang sakit sa puso at cancer at urinary tract infections.