Last part
Iwasang makinig ng tsismis – Talaga naman nakakatuwang makinig ng tsismis lalo na at pribadong buhay ng ibang tao ang “topic”. Pero, pilitin mo pa rin na hindi makinig sa mga tismis na ito at kung maaari ay layuan ang mga kilalang makakati ang dila sa inyong lugar o opisina.
Mamili ng mga kaibigan o sinasamahan – Dahil sa talaga naman nakakatuksong sumama sa mga tsismoso/tsismosa, mas mabuting piliin mo na lang ang mga taong iyong sasamahan, kakaibiganin at pakikinggan habang nagpapalipas ka ng oras. Maghanap ka na lang ng taong kapupulutan mo ng aral at tutulong sa’yo na paunlarin pa ang iyong sarili kaysa sumama sa mga taong walang ibang sasabihin sa’yo kundi ang kasiraan ng buhay ng ibang tao.
Tandaan mo, ang isang taong walang ibang pinagkakalibangan kundi ang itsismis ang kanyang kapwa ay taong “insecure” at walang magawa sa buhay kundi abangan ang mangyayari sa buhay ng iba. Bakit siya “insecure”? Kasi akala nila “bida” na sila kapag nagsasalita sila ng mga pangit na bagay laban sa iba. Naghahanap din sila ng atensiyon ng kanilang kapwa kaya naghahanap sila ng “topic” na ibibida niya sa iba para lumabas na siya ay magaling. Bakit? Kasi walang ibang gustong kumausap sa taong tsismos/tsismosa kung wala rin naman siyang sisiraan. Dapat mo rin isipin na hindi ka yayaman o aangat ang buhay kung puro pakikipag-tsismisan ang iyong gagawin sa buhay. Mas mabuti pang magbanat ng buto, para mas may marating sa buhay at maitaguyod ang pamilya.