^

Para Malibang

Tsismoso/Tsismosa ka ba? (1)

Pang-masa

Ang tsismis sa isang lugar, gaya ng inyong komunidad o di kaya ay sa trabaho o opisina ay hindi na pinagtatakhan na talamak dahil sa mga tsismoso/tsismosa. Saan nga ba nagsisimula ang tsismis? Nagmumula ito sa pag-uumpukan at pagkukuwentuhan sa araw-araw na pagkikita ng mga ito na siyang ginagawang libangan at masaklap minsan ay “hobby” na ng isang tao. At ang taong may ganitong bisyo ay mahirap patigilin ang dilang mapanira. Kung titingnan mo, parang “harmless” naman ang tsismis lalo na kung ang “subject” ng pinag-uusapan ay maliit na bagay lang. Ngunit hindi ito dapat na binabalewa dahil kapag lumaon ay tiyak na pagmumulan ng away at problema ng bawat indibiduwal. Narito ang ilang paraan para hindi ka matawag at kilalaning tsismoso/tsismosa:

Maging propesyunal - Dapat mong panatilihin ang iyong pagiging propesyunal sa lahat ng oras sa lahat ng iyong mga kasamahan sa opisina. Kaya ibig sabihin, magtrabaho ka lang ng tama at ubusin ang oras mo rito sa pagtatrabaho at hindi sa pakikinig ng mga tsismis na nakakasira ng pagkatao ng ibang tao. Kung wala ka naman magawa at talagang napagkukuwentuhan ka na ng tsismis, mas mabuting maging “neutral” ka lang sa anumang “topic” na kanyang ikinukuwento sa’yo.  At kung magbibigay ng komento, dapat na maging maingat, dahil hindi mo naman alam baka isang araw ang iyong sinabi sa taong ito ang kanyang isisiwalat sa iba at itsitsismis ka rin.

 

vuukle comment

DAPAT

KAYA

NAGMUMULA

NARITO

NGUNIT

SAAN

TSISMIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with