GOAT/SHEEP
Year of Birth: 1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027
Lucky Colors in 2015: purple, brown, red
Lucky Numbers in 2015: 1, 2, 7
Best months of 2015: July, August, September, October, November and December
Best with: Rabbit, Horse or Pig
Worst with: Ox, Dragon, Snake or Dog
Wealth – Hindi lucky sa kahit anong klaseng sugal ngayon. Kahit taon nila ang 2015, hindi maganda ang daloy ng pera. Makakaranas ng biglaang pagkakagastusan.
Career – Sa mga empleyado, kung may maganda kang ideya, huwag mo muna itong ipagsabi sa mga kasamahan sa trabaho hangga’t hindi mo pa naipiprisinta sa iyong boss. Nasa kapalaran ng Goat na kainggitan siya kaya ang tendency ng ibang tao ay isabotahe o gayahin ang kanyang ideya.
Love – Ang single Goat ay masuwerteng makakakuha ng partner sa buhay ngunit ang may existing relationship ay makikipaghiwalay kung hindi makokontrol ang madalas na pag-aaway. Mahabang pasensiya at komyunikasyon lang ang katapat niyan.
Health – Iwasang umakyat sa matataas na lugar. Ang mga buntis ay regular na magpa-check-up upang matiyak ang kalusugan ng fetus sa sinapupunan. Ekstrang pag-iingat sa pagmamaneho.