“RUSSELL, lumapit ka sa akin.” Nag-uutos ang tinig ni Avery. Siya lamang ang nakakaalam ng dapat gawin sa binatang tantiya niya’y sinasakop na ng kamunduhan ang isipan.
Imagine, sa kalagayan niyang nalilito kung buhay o patay ay uunahin pa nito ang kahalayan?
“Bakit, Avery, payag ka na bang tayo’y—”
Umigkas ang kamao ng dalaga. Sinuntok nang malakas sa sintido si Russell. PUG.
Bumaligtad sa kama ng recuperating room ang binatang nalalabuan. Nahilo ito, parang nakakita ng mga bituin.
Nang mahimasmasan ay sinisermunan na ni Avery. “Huwag mong dagdagan ang depression ko, Russell. Kailangan kita morally, emotionally bilang katuwang sa tamang daan...
“ Yung daan patungo sa Langit, sa Kaharian ng Diyos. Huwag mo akong i-alienate sa Kanya...” Luhaan na si Avery, nakikiusap sa tanging lalaking natutunan nang mahalin.
Bawat salita naman ni Avery ay dumiin sa isipan ni Russell. Bigla ay nakaramdam ito ng hiya.
“B-bakit ko nga ba na-entertain ang bawal, ang mahalay? Oh, God...ilayo Mo po ako kay Satanas... please po, Lord...”
Napaluha si Avery, dinig ang taos-pusong pagkamulat ni Russell sa tamang direksiyon—‘yung makalulugod sa Diyos.
BAGO natapos ang araw na iyon sa ospital, nakakausap na si Russell ng isang duktor na may alam sa kalagayan ni Avery.
“Naniniwala ba ‘kamo ‘yung girlfriend mo na siya ay patay na?”
“Gano’n nga po, doc. Ipinagpipilitan niyang siya ay matagal nang yumao. Kasama raw namatay ng parents niya sa plane crash sa dagat...”
Nagbigay ng impormasyon ang duktor na nakapag-research na sa tintawag na Corps Syndrome na tinatawag ding Walking Dead Ailment.
“Ang ganitong tao ay naniniwalang wala na siyang paa o kamay, kulang ang mga piyesa sa katawan... ang gusto ay manatili sa sementeryo...”
“Kaya po pala gusto niyang magkulong sa musoleyo nila, Dok”. Itutuloy