Kagila-gilalas na organ
(Last part)
7. Mag-ingat sa mga iniinom na gamot
Kapag uminom ng maling dosage, pangmatagalan ang pag-inom, paghalo ng iba pang substance, katulad ng alak at iba pang gamot ay maaaring makapinsala sa ating atay. Ang Acetaminophen (brand name ng Tylenol) ay isang notoryus na panganib sa ating atay, ang pag-overdose ng gamot na ito ay maaaring maging sanhi ng acute liver health failure.
Sa katunayan kahit tama ang paggamit ng acetaminophen ay maaaring maging sanhi ng liver enzymes na tumaas ng tatlong beses sa normal nitong limit ay senyales na posibleng napinsala na ang ating atay. May ilang pasyente na walong beses na mataas ang lebel ng enzymes sa normal na lebel nito.
Laging isaisip na kailangan nating mag-ingat sa lahat ng gamot na ating iniinom. Kailangan na may tamang reseta sa pagbili ng gamot na kagaya ng Tylenol upang makaiwas sa tiyak na kapamahakan at pagkapinsala ng ating atay.
8. Regular na pag-eehersisyo
Ang regular na pag-eehersisyo ay napakainam na mapababa ang panganib sa pagkakaroon ng fatty liver disease, hindi lang sa pagmementina ng magandang pangangatawan at tamang timbang (ang obesity ay nakakapagpataas ng panganib ng fatty liver disease) bagkus nakakapag pabuti ng kondisyon ng ating atay.
9. Iwasan ang paninigarilyo
Ang paninigarilyo ay maaaring makapinsala sa abiladad ng ating atay na gumana ng ayos at tama. Ito ay nakapagpalala ng mga sakit sa atay.
- Latest