Patay na ako, Mahal (21)
ISANG masuyong halik sa mga labi ang naranasan ni Avery, kumpletong may mahigpit na yakap.
Hinahagkan siya ni Russell, pareho silang napapikit sa kadakilaan ng mga sandaling iyon.
Ang dalagang naniniwalang siya ay patay na ay buhay na buhay nang mga sandaling iyon.
She was a woman in love. Mahal niya si Russell, kanyang natuklasan; gaya rin ng binatang nagmamahal sa kanya.
Habol nila ang hininga nang maghiwalay ng mga labi.
“Kaah... Haaahh.”
Bigla ay naging makulay ang buhay ni Avery; bigla rin ay nais niyang paniwalaan si Russell na siya ay buhay pa.
Nakatitig sila sa isa’t isa. May romansang bumubuklod sa kanilang katauhan.
Sila ba ay in love na, gaya ng nais nilang paniwalaan?
“Avery, nadarama kong tunay kitang minamahal...”
Napapalunok si Avery. May sumisingit na pagdududa sa kanyang isipan at puso. “Russell, paano kung ito’y hindi pala real love?
“Paano kung ang nararamdaman pala natin ay... passion lamang, init lamang ng... katawan?”
Ayaw banggitin ni Avery ang mahalay na salitang katumbas sa Tagalog ng passion. Patay man siya o buhay, ang pagbanggit ng katagang napakabulgar ay hindi niya gagawin.
“You mean itong nadarama natin, Avery, ay isa lamang lib--?”
Natakpan na muna ni Avery ang bibig ni Russell bago nito ganap na nasambit ang bastos na bastos na salita.
“Please don’t say bad words, Russell”.
“Pero, Avery, mismong sa diyaryong Tagalog ko ito nabasa. Ginagamit na nila iyon... Iyon naman kasi ang talagang kahulugan ng ‘passion’”.
Hindi umiimik si Avery, tila nakikiramdam.
Naalala ni Russell ang dapat itanong , matapos ang madamdamin nilang halikan. “Avery, naniniwala ka pa bang ikaw ay isa nang... patay?” (ITUTULOY)
- Latest