Alam n’yo ba na ang pinakamalaking orchid ay ang “Grammatophyllum speciosum”? May bigat itong 2,000 libra o 900 kilogram. Ito ay makikita sa Malaysia, Solomon Island, Sumatra, Papua, New Guinea at dito sa Pilipinas. Ang pinakamaliit na orchid naman ay ang “Platystele jungermannioides” kung saan may sukat itong half millimeter. Tumutubo ito sa mga kagubatan sa Central America, partikular na sa Costa Rica. Kung sisilipin sa magnifying glass, ang kulay ng bulaklak nito ay pinaghalong green at violet.
Ang pinakamabahong orchid ay ang “Bulbophyllum phalaenopsis”. Hindi paru-paro ang tagahanga ng bulaklak na nito kundi mga langaw dahil sa masangsang na amoy nito. Orihinal itong nagmula sa New Guinea.