PUTOK ang bao ng ulo ni Avery. Ang dalagang naniniwalang siya ay patay na ay lumatag sa malamig na semento ang katawan.
Ang masamang tiyahin na pumukpok ng martilyo, si Tita Soledad, ay hindi man lang naligalig.
Nagdarasal pa nga na sana ay matuluyan na ang kinasusuklamang pamangkin.
“Die, Avery! Mamatay ka naaa!”
BOG-BOG-BOG. Malalakas na kabog iyon sa saradong pintong narra ng musoleyo.
Si Russell ang bumabayo sa pinto, nakaramdam na merong masamang nangyayari kay Avery.
“Avery, buksan mo ‘to! Ano na ba ang nangyayari...?”
Si Tita Soledad ang sumagot. “Wala kang pakialam! Matagal nang patay ang pamangkin ko!
“Bigyan mo si Avery ng katahimikan!”
Lalong kinabahan ang binata. “Papasukin mo ako diyan ngayundin, madam! Hindi kita patatahimikin kapag may ginawa ka kay Avery!
“Hahabulin kita sa korte! Idedemanda kita ng illegal detention at pagmamalupit! Ipabibitay kita!”
Umuungol si Avery, agaw-buhay na yata. “Uuunnn...uunnn...
“Gago! Matagal nang in-abolish sa ‘Pinas ang bitay! Hindi ka pala nagbabasa ng diyaryo!”
EWAN kung nakialam na ang Langit sa kaso ni Avery.
Biglang may nakita si Tita Soledad na nagpatili dito. “EEEEE!”
Ang ispiritu o kaluluwa ng isang babae ay malinaw na palapit sa malupit na tiyahin ni Avery.
Hindi nakayanan ni Tita Soledad ang takot; hinimatay.
Kusang bumukas ang pintuang narra. Mabilis nang nakapasok si Russell. Nakita niya ang pamil-yar nang ispiritu.
“Mama... tinulungan mo pala ako...”
Tumango ang butihing ina ni Russell, itinuro si Avery.
Naunawaan ng binata na naghahabol na siya ng sandali para mailigtas si Avery sa kamatayan. “Oh, my God! Huwag kang mamamatay, Avery!” ITUTULOY