Hindi lang tuwing summer nada-dry o natutuyot ang balat, kapag sobrang lamig din ng panahon maaari rin mangaliskis ang iyong balat, dahil natutuyot din ito. Kaya naman ipinapayo na hindi dapat kalimutan ang maglagay ng lotion upang mapanatili ang malusog at makinis na balat.
Anu-ano nga ba ang benepisyo ng lotion sa balat? Narito ang ilan:
Maiiwasan ang pagkatuyot ng balat - ang mga taong nagtatrabaho sa mga lugar na mayroong extreme climate o weather ay kinakailangan na gumamit ng lotion araw-araw para mapanatili ang moisture sa balat.
Mas maganda kung ilalagay ang regular lotion na ginagamit pagkatapos maligo para mas ma-absorb ng iyong balat ang mga minerals na taglay ng lotion.
Nakakaalis ng kalyo sa balat - Kapag may nakakapa ka sa iyong balat na tila magaspang at matigas, lagyan lang ito araw-araw ng lotion at mapapansin mong lumalambot na ito at madali ng tanggalin. Kaya lang may mga kalyo rin naman na hindi kayang tanggalin ng lotion kaya mas mabuting patingnan ito sa doctor.
Nakakapagpabango ng katawan - Mas masarap ang pakiramdam kapag ikaw ay mabango, kaya naman i-enjoy mo ang pagpapahid ng lotion sa buo mong katawan. Marami naman mapagpipiliang scent ng lotion kaya mas mabuting pumili ng babagay sa iyong personalidad at magbi-blend ng maganda sa natural na amoy ng iyong katawan.
Maraming benepisyo ang lotion, kahit ano pa ang panahon, hindi dapat pumalya sa paggamit nito para maiwasan ang pagkakaroon ng dry skin nga—yong tag-lamig.