Kagilagilalas na organ
(Part 1)
Dumaan ang Pasko at Bagong Taon at kabikabila ang party na ating dinaluhan at talaga naman na nagbigay sa atin ng magaganda at makabuluhang karanasan nitong nagdaang taon. Kaakibat ng nito ay ang mga pagkain at mga inumin maaaring magdulot ng pinsala sa ating atay.
Kaya ngayong Bagong Taon puwede nating isama sa ating New Years resolution ang pagpapahalaga sa ating kalusugan lalung-lalo na sa ating atay na sumasala sa ating dugo para matanggal ang toxin sa ating katawan. Paano ba natin pangangalagaan ang ating atay? Naririto ang ilang impormasyon na makakatulong sa ating atay:
Ang ating atay ang pangalawa sa pinaka malaking organ sa ating katawan (Pangalawa sa ating balat), may bigat na nasa tatlong libra at may napakaraming gawain sa ating katawan araw-araw.
(Itutuloy)
- Latest