Panaginip: Sa aking panaginip ay naging nanay ko ang aking misis in real life. Ang nakakatawa pa ay sila ng aking ama ang mag-asawa at ako ay anak nila pero walang active participation ang aking tatay. May sexual relationship kami ng aking “ina” dahil sa isip ko ay matanda na ang aking tatay para sa aking ina.---PB
Interpretation: Ang nanay ay simbolo ng comfort, support and caring. Ang misis naman ay sumisimbolo sa mga “unresolved issues”. Ang ama ay simbolo ng authority at pagiging protective. Since ang impresyon mo ay matanda na ang tatay mo para sa iyong ina, ito ay nagpapahayag ng iyong kahinaan bilang ama at asawa in real life. Kahinaan in the sense na hindi ka masyadong caring sa iyong misis at mga anak. Oo, mahal mo ang iyong pamilya, pero naipapadama mo ba ito sa kanila? Puwedeng ito ang tinutukoy na “unresolved issue” sa iyong pamilya.