Pangkaraniwan ng sakit ng mga nagtatrabaho ang back pain. Lalo na kung walo o mahigit pa ang oras na ikaw ay nagtatrabaho na nakaupo o kaya ay nagbubuhat. Hindi maganda ang pakiramdam ng masakit ang likod kaya naman minsan ay nagdudulot ito ng pagkairita sa iyong work place.
Paano nga ba ito maiiwasan? Narito ang ilang hakbang:
Maupo ng maayos – Hindi mo naman kailangan magpabili ng isangnapakagandang upuan sa inyong opisina. Kailangan mo lang ng isang upuan na magbibigay ng maayos na suporta sa iyong likod at mapanatili nito ang S curved at hindi C curved ng iyong spinal. Ito ay ayon kay Jeffrey Goldstein, MD, director of the spine service sa New York
University Langone Medical Center. Kailangan mo rin tumayo paminsan-minsan at lumakad ng kaunti para maalis ang stress sa iyong likuran.
Tumayo ng tuwid – Iwasang tumayo ng hukot ang iyong likuran.
Mag-imagine na mayroong isangg linya mula sa itaas. Dapat na makasunod sa linyang ito ang iyong balikat, hips at tuhod. Sa ganitong paraan ay hindi mangangawit ang iyong likod.
Mababang unan – Ang pagtulog gamit ang dalawa hanggang tatlong unan ay hindi nakakabuti sa iyong muscles sa leeg. Dito makakaramdam ng matinding sakit sa batok hanggang sa iyong likod ayon kay Jessica
Shellock, MD, Orthopedic spine Surgeon sa Texas Back Institute.