3 Paraan para hindi ka na kainggitan:
Kailangan mo ay 2 pirasong kalamansi: bagong bili, sariwa at berdeng-berde ang kulay. Huwag huhugasan. Tig-isang hawakan ng kamay ang 2 kalamansi. Paikutin ang kalamansi sa iyong mga palad. Habang pinaiikot mo sa iyong palad ang kalamansi ay paulit-ulit mong sabihin sa iyong sarili ang mga sumusunod for 10 minutes: “Ang lahat ng masamang ginagawa sa akin ni (pangalan ng kaaway) ay nahihigop ng kalamansing aking hinahawakan”.
Itapon sa kanal na may umaagos na tubig o ilog ang 2 ginamit na kalamansi sa ganitong pamamaraan—tumalikod ka sa ilog o kanal na pagtatapunan ng kalamansi. Ang isang kalamansi ay itapon nang patalikod sa iyong kanang balikat at ang isa ay itapon din nang patalikod sa iyong kaliwang balikat. Huwag mong lilingunin ang mga kalamansing itinapon.
Maligo gamit ang tubig na hinaluan ng asin.