Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba noong unang panahon, ginagamit ng mga Romans ang aluminum bilang astringent at pagtitina? Napakaraming aluminum sa ilalim ng lupa. Kaya lang hindi naman ito nakikita lang basta kundi natatagpuan ito sa granite, cryolite at iba pang pangkaraniwang minerals. Karaniwang ginagamit ngayon ang aluminum sa paggawa ng gamit pangkusina, sa mga gusali, electrical transmission lines at iba pa dahil sa magaan na timbang nito.

Show comments