Dopamine at sex

Dumarating talaga sa puntong lumalamig ang relasyon ng partners. Pero may strategy para muling magbalik ang ‘init ng pag-ibig.’

Ang susi dito ay ang dopamine.

Natalakay na natin noong nakaraan ang dopamine.

Ang Dopamine ay neurotransmitter na tumutulong sa pagkontrol sa reward at pleasure centers ng utak. Ito ang mitsa ng sexual fire at ito rin ang pumapatay nito.

Pag may ginagawang bagong bagay ang mga couples, tumataas ang dopamine.

Sa isang experiment sa mga couples, mas ‘masaya’ ang relasyon kapag may ginagawang exci­ting na activity. Mas nagkakaroon ng bonding, mas gumaganda ang samahan, mas umiinit at lumalalim ang pagmamahalan.

Narito ang ilang paraan para tumaas ang dopamine.

Mag-discover ng mga bagong activity.

Standard relationship-enhancement advice ang magkaroon ng bago sa isang relasyon.

Hindi ba’t ang  ‘weekends getaway’ ay tinatawag na “romantic getaways.”

Kapag nasa bagong lugar, exciting di ba?

Sinasabing mas passionate ang sexual acti­vity sa mga hotel rooms.

Ito’y dahil, nasa ibang kuwarto kayo, ibang paligid, ibang ambiance at ito ay exciting at romantic at tumataas ang libido.

Ano mang bagong activity na gagawin, makakatulong ito sa pagpapataas ng dopamine at makakatulong ito sa iyong love life.

Maghanap ng bagong sport  na puwede ninyong gawin ng iyong partner, bagong makakainang restaurant, bagong hang-out, bagong activity para mapag-init ang luma­lamig na ‘pag-ibig.’

Tumawa.

Ang joke ay nakakatawa dahil surprise ang punch line.

Bago ito at unexpected. Tulad sa ibang bagong activities, ang jopke at nakakapagpataas ng dopamine levels.

Tanungin ang mga couples kung paano sila tumatagal at marami ang nagsasabi na ito ay dahil sa kanilang sense of humor. Kapag nawala na ang humor, delikado na ang relasyon.

Show comments